Random Thoughts

Gitara

Habang ako’y nalulumbay sa ilalim ng mga tala

Kapirasong kahoy, tabla at kwerdas aking dala

Kinakanta ang storya nating dalawa

Hawak kong papel at panulat habnag nakatulala

Sa bawat pagtipa sa aking gitara

Mga alaala mong hindi kayang mawala

Ang ngiti mong nagpapaligaya

Sa tulad kong nais ka lang mapakinggan

Gitara kong kumakanta

Kasabay ng lyrikong umiiyak

Himig na lumuluha

Matapos kang biglang maalala

Habang lumulutang sa hangin ang aking diwa

Habang ang kamay ko’y walang tigil sa pagtipa

Hindi ko namamalayan na ang kwerdas ay napigtas

Ito pa lang pala ang simula at hindi pa ang wakas

Sa aking muling pagtipa’y ako ay napabuntong hininga

Tono ng aking gitara’y biglang nag-iba

Naputol kong kwerdas pinalitan ko ng iba

Ngunit bakit ganoon ang tono ay iba na?

Musika kong para sa’yo tila malabo na

Dahil sa napigtas na kwerdas na hindi na maibabalik pa

Nang ako ay napatingin sa iyong mga mata

Musikang nasimulan ay gusto kong tapusin na

Saan ako magsisimula at saan ako magwawakas?

Tunog nitong gitara’y sana’y magbalik na

Kantang isusulat ko sana’y mahintay mo pa

Damdamin kong para sa’yo ay di’ mag iiba

Sa wakas gitara ko’y ayos na

Tunog na nawala’y tila nagbalik na

Kantang alay sayo’y maitutuloy ko na

Kantang sinimulan ngayo’y magwawakas na

šŸ™Š

Leave a comment