
Mateo 13:24-30
(v.24) “Ang paghahari ng Diyos as Katulad nito: may isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid.”
(v.25) Ngunit isang gabi habang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang mga kaaway at naghasik ng masamang damo sa triguhan.
(v.26) Nang tumubo ang trigo, lumitaw din ang masamang damo.
(v.28) Isang kaaway ang may kagagawan nito, aniya. At hindi niya ipinabunot sa mga tao ang masamang damo.
(v.29) Ngunit sumagot ito ng, “Huwag”, “Baka mabunot pati trigo”.
(v.30) Sabi pa rito na hayaan na lamang itong lumago hanggang sa anihan. Dito ay pagtitipunin ang mga damo at pagbibigkis-bigkisin upang sunugin at “…ang trigo’y inyong tipunin sa aking kamalig.”
Reflection
Ang talinghagang ito ay maihahalintulad sa buhay ng tao na ipinunla ng Diyos: tayo ay dinala sa lupa na pinunlaan ng kabutihan upang gamitin sa mundong ibabaw. Ngunit sa mga hindi inaasahang pagkakataon, tayo mismo o kaya naman kapwa nating tao, ay mapupunlaan ng masamang trigo na siyang hinahayaan ng Diyos na lumago.
Ang triguhan ay ang mundo (earth) samantalang ang mga damo at trigo nama’y maihahambing sa ating mga tao. Ginawa ng Diyos ang mga tao na pawang kabutihan lang ang nalalaman ngunit sa ilang oras lang ay maaring mabahidan o mahaluaan ang kabutihang punla ng kasamaan. Bilang mga mabubuting trigo na itinanim, nasa atin na lamang ito kung tayo ay magpapadala sa masama o patuloy na maglilingkod bilang mga mabuting binhi o trigo sa mundo.
Mapapansing sa ika-29 na berso na ayaw ipabunot ng taong naghasik ng mabuting binhi ang mga masamang damo dahil daw baka mabunot pati ang trigo (kabutihan). Maikokonekta ito sa buhay ng tao, ang bawat tao ay inihasik sa lupa, kasabay rin nito ang masamang trahedya o persona na maaaring nakakonekta sa mga taong ito. Gaya ng mga trigo sa kwento, maaring magkakadikit or konekta ang mga ugat nito kaya ayaw itong ipabunot dahil puwedeng mabunot ang mabuting damo kasabay na pag binunot ang masamang damo.
Sa berso 30, inihayag na hayaan na lumago ang mga ito kasama ang mabuting damo at isabay na lamang sa anihan at doon ay pagbibikis-bigkisin ang mga damo at mapupunta ang magagandang ani sa kamalig at ang masasamang ani/damo nama’y susunugin. Maihahalintulad din ito sa ating inaantay na Araw ng Paghuhukom o Judgement Day kung saan ang mga taong inilagay sa lupa ng Diyos ay titipunin, gaya ng mga damo sa kwento, at paghihiwa-hiwalayin ang mga mabuti sa masama. Ang mga mabuting tao ay mapupunta sa “kamalig” na maihahalintulad natin sa “langit” o haligi ng Diyos habang ang masasama nama’y dadalhin upang sunugin na maihahalintulad natin sa “impyerno”.
Hindi natin lubusan alam ang mga pwedeng mangyari. Ngayon pa lamang ay kailangan na nating maging katulad ng mabuting trigo. Hindi natin hawak ang oras at hindi rin natin alam kung kailan Siya darating kaya narapat na huwag ipagpabukas pa ang pagsunod sa kanya. Dapat ngayon mismo ay maging katulad na tayo ng isang mabuting trigo nang mapunta sa Kanyang kamallig sa araw ng pag aani o paghuhukom.
Panalangin
Panginoon, maraming salamat po sa iyong kabutihang itinanim sa aming mga puso. Tulungan mo po kaming palaguin ang kabutihang imaging isang mabuting trigo/damo nang sa gayon ay makasama Ka namin sa araw ng pagaani o paghuhukom dito sa mundo.
